Una sa Balita

Solon inuumaga sa inuman

0 555

DAIG pa ng mambabatas ang mga call center agent sa bansa dahil sa inuumaga ito sa inuman.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na pagkatapos daw magtrabaho ng mambabatas ay nagpapalamig naman ito sa kanyang tambayan para makipag-inuman sa mga kaibigan.

Madalas daw itong napapasarap sa inuman kaya’t inaabutan ng pagtilaok ng manok at pagsikat ng araw sa umaga.

Nakakasabay pa nga niya ang mga call center agent na uuwi pa lang matapos ang magdamagang trabaho.

Dahil sa hilig sa pag-inom, lumolobo na rin ang kanyang tiyan kaya’t nagwo-worry na rin ang kanyang mga kaibigan.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas na madalas umagahin sa inuman ay may letrang T sa kanyang apelyido as in Tagay!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy