Una sa Balita

Solon hilig manlibre sa cheap na kainan

0 400

GAME raw ang isang mambabatas kung yayayain itong magpakain ng mga tao.

Pero huwag mo nang asahan na dadal­hin ka niya sa mamahaling restawran.

Mas type raw ng mambabatas na dalhin ang mga ito sa karinderia dahil mas makamumura siya sa gastos.

Katwiran ng mambabatas, masarap ang luto sa ka­rinderia kaysa sa mga restawran.

Pinakamalaki na raw sa kanyang ginastos ang P3,000 para sa 20 katao na pinakain niya sa ka­rinderia.

Siyempre, tuwang-tuwa ang mga taong nilibre ng mambabatas pero ang iba naman ay hindi bilib dahil masyadong cheap ang turing sa kanila ng mambabatas.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na hilig manlibre sa cheap na kainan ay taga-Luzon at may M sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More