Una sa Balita

Solon hilig magpalibre

0 408

MADALAS ikuwento ng isang negosyante ang hilig umano ng kilalang mambabatas na magpalibre sa mga gastusin.

Nakasama daw kasi ng negosyante ang mambabatas sa panahon ng kampanya kung saan sa pinuntahan nilang lalawigan ay nagpakain sila sa mga bisita.

Hindi man lang daw bumunot ng pera ang mambabatas para bayaran ang kanilang kinain dahil pinaba­yaan niya ang negosyante na maglabas ng pera.

Ang classic nito, ayon kay Mang Teban, hindi lang isang beses kundi maraming beses na nagpalibre sa gastos sa pagkain ang mambabatas.

Kapag inuungkat sa mambabatas ang pagpapalibre niya sa negosyante, magkahalo ang kanyang expression na parang matatawa at nahihiya sa kanyang ginawa.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na hilig magpalibre sa biga­ting negosyante ay madalas sa farm. May letrang P sa kanyang panga­lan as in Pagkain.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy