Una sa Balita

Solon game gumastos sa trip abroad

0 541

HILIG daw ng isang mambabatas na manlibre ng biyahe sa abroad.

Kapag sinabihan mo daw ang mambabatas, game itong gumastos lalo na sa mga taong itinuturing niyang kadikit.

Ang problema lang, ayon sa natisod na info ni Mang Teban, pahirapan ang pagkuha ng visa sa lugar na pupuntahan ng mambabatas.

Kaya’t ang kinalabasan ng offer ng mambabatas, hindi rin mapapakinabangan ng taong kadikit nito dahil sa kawalan ng visa.

Mahina man ang utak ng mambabatas, mukhang wais naman ito pagdating sa mga taong gustong magpalibre ng gastos sa abroad.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas na hilig manlibre ng biyahe sa abroad na pahirapan ang pagkuha ng visa ay kilalang mayaman. May letrang M sa kanyang pangalan, as in Money.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy