Una sa Balita

Solon, ex-mayor, 10 pa kinasuhan

By
0 162

Isang incumbent congressman, dating Mayor at 10 dating konsehal sa Iligan City ang sinampahan ­kahapon ng Office of the Ombudsman ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan dahil sa umano’y nirentang lupa sa siyudad noong 2003 at 2004.

Kabilang sa sinampahan ng kaso ng Office of the Special Prosecutors (OSP) ng Office of the Ombudsman ay sina Iligan City Rep. Frederick Siao, dating City Mayor Lawrence Li Cruz at mga dating konsehal na sina Moises Dalisay Jr., Riza Jane Magaro, ­Jose Zalsos, Ruderic Marzo, Providencio Abrangan Jr., Marlene Young, Ariel Anghay, Michelle Sweet-Booc, Bayani Areola at Roy Openiano.

Si Siao ay konsehal ng Iligan City nang ­maganap umano ang maanomalyang pagrenta ng lupa ng ­siyudad sa dalawang kumpanya noong 2003 at 2004 kaya kabilang ito sa kinasuhan.
Ayon sa Ombudsman, nirentahan umano ng City goverment ang may 20,000 metro kuwadradong ­lupa na pagmamay-ari ng Kiwalan Lumber Company sa loob ng 9 na taon mula noong 2004.

Hindi umano idinaan sa public bidding ang renta ng siyudad sa lupain at mga kamag-anak umano ni Cruz ang may-ari sa nasabing kumpanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy