Una sa Balita

Solon ‘di kumasya sa pinto

0 357

NAHIRAPAN daw ang isang mambabatas na pumasok sa isang kuwarto dahil sa liit ng pinto?

May kalakihan kasi ang tiyan ng mambabatas as in tabatsoy siya pero in fairness ay sinusubukan pa rin niyang maglaro ng basketball.
Sa isang lugar na binisita ng mambabatas, may kaliitan daw ang pinto ng kuwarto kaya hirap itong makapasok.

Pinagpawisan daw ang mambaba­tas sa kapipilit na makapasok pero bandang huli ay sumuko rin.

Nagdesisyon na lang daw itong gumamit ng ibang pinto na mas mala­ki para siya ay makalusot.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas na hindi kumasya sa pinto ay may letrang D sa kanyang pangalan as in dambuhala.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More