Una sa Balita

Solon ‘di bilib sa 3rd telco

0 466

MINALIIT ng isang militant party-list lawmaker ang kakayahan ng third telco na Dito Telecommunity Corporation na tuparin ang nakasaad sa iginawad na permit to operate sa naturang kompanya, kabilang ang pagkakaroon ng 2,500 cellsite pagsapit ng buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, na kasapi ng Makabayan bloc, maghahain siya ng resolusyon para hilingin na ipatawag sa Kamara upang pagpaliwanagin ang mga opisyal ng DICT at Dito Telecommunity.

“Kailangang mag-report yung Dito telco sa Congress kung saan na ba? (yung cellsite niya) Pero I don’t think so na magagawa na nila yung 2,500 na mga cellsite. Ito dapat maimbestigahan ito ng Congress. Iyong talagang seryoso ba ito, may kakayahan ba ito?” ayon sa solon.

Ayon kay Castro, base sa mga impormasyong kanyang nakalap, bigo ang third telco na gampanan ang isang taon matapos na mabigyan ng permiso na makapag-operate at mayroon na itong 2,500 cellsite, maserbisyuhan ang 37 percent ng populasyon ng bansa at makapagbigay ng hindi bababa sa 27 mbps na internet speed.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More