Una sa Balita

Solon bumigay sa itlog ng gov’t official

0 525

Ibang klase daw kung mag-areglo ang isang opisyal ng gobyerno.

Ayon sa nakuhang impormasyon ni Mang Teban, nakasagutan daw ng isang mambabatas ang opis­yal na ito sa isang pagdinig sa Kamara.

Naging mainit umano ang pagtatalo ng dalawa tungkol sa isang kontrobersya­l na polisiya ng ad­minis­trasyon.

Natapos ang hearin­g na tila di­namdam ng mambabatas ang masasakit na pananalita ng o­pisyal ng gobyerno.

Laking gulat na lang ng mambabatas na padalhan siya ng sangkaterbang itlog ng g­overnment official.

Aba’y biglang lumambot ang pu­so ng mambabatas, nakuha sa pa-itlog ng opisyal ng gobyerno.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na bumigay sa regalong itlog ng government official ay may letrang B sa kanyang pa­ngalan as in Balut.