Una sa Balita

Solon bongga ang pabaon sa retirement

0 562

Mistulang tumama sa jackpot sa lotto itong isang mambabatas dahil sa makukub­rang malaking komis­yon mula sa naipong pork barrel fund.

Ayon sa natisod na info ni Mang Teban, ‘pa­baon’ daw ito sa retirement ng mambabatas dahil sa hindi na ito tatakbo sa darating na halalan.

Aba’y bilyon-bil­yong pisong pork barrel fund daw ang isinubi ng mambabatas at hindi naman ito sinita ng mga kasamahan dahil sa naiintindihan ang sitwasyon pagkatapos ng halalan.

Sa laki ng makukuhang komisyon ng mambabatas, aba’y kahit na magkaroon siya ng apo sa tuhod ay hindi kayang ubusin ang mga kadatu­ngan nito.

Kung makulong man siya sa kanyang ginawa, aba’y magkakaroon din siya ng kasama sa rehas dahil marami naman silang gumawa nito.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na bongga ang pabaong pork sa pagreretiro ay palaging nakangiti. May letrang A sa kanyang pangalan as in Anda o datung.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy