Solon binaterya sa donation campaign

0 515

NAKAKAHIYA naman itong isang sikat na mambabatas dahil sa kabila nang maayos na estado nito sa buhay ay nanghihingi pa ito ng donasyon para sa biktima ng pagsabog ng Taal Volcano.

Nasagap ni Mang Teban na inutusan mismo nito ang kanyang mga tao na magsagawa ng donation drive para marami silang maipamigay sa mga naapektuhan ng trahedya.

Subalit nagalit ang netizen dahil kahit umano hindi na ito na maglunsad ng donation campaign ay kaya na nitong magbigay ng tulong sa mga biktima dahil sa sobra-sobra naman ang yaman nito.

Sabi pa ng netizen kahit 1 porsiyento na lamang ng yaman nito maari naman nitong ibigay kung gugustuhin niya suba­lit tila hindi naman umano seryoso sa pagtulong ang mambabatas na ito.
Dahil hindi tinatantanan ng mga netizen sa batikos ang makunat na mambabatas, sinabihan nito ang kanyang mga staff na huwag na maglunsad ng donative drive at kusa na lang siyang magbibigay sa mga biktima ng Taal eruption.

Pero hanggang ngayon daw ay wala pa naman itong naipamimigay, isang linggo matapos pumutok ang Taal. Sino siya?

Pintahan n’yo na. Isa sa pinakamayamang mambabatas sa bansa na may letrang N sa kanyang pangalan as in ‘nuknukan’ ng kunat.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...