Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Solon bigatin sa ayuda pero hindi galing sa sariling bulsa

0 417

Busilak ang kalooban ng isang mambabatas pagdating pagtulong sa kanyang mga kababayan.

Iyon nga lang, sa halip na gumamit ng kanyang sariling pera, ang ginagawa nito’y humihingi siya ng tulong o donasyon mula sa kanyang mga kaibigang mga negosyante.

Subalit kapag dumating na ang sangkatutak ng ayuda ay papalabasin naman nito na sarili niyang pera ang ginamit niya pambili nito.

Ang malungkot hindi alam ng mga kababayan ng mambabatas na lahat ng ibinigay sa kanilang ayuda ay hiningi lamang nito sa kanyang mga kaibigan at hindi gumastos ng sariling pera. Sino siya?

Clue: Sandamakmak ang kaban ng yaman na mambabatas na ito na taga-katimugang bahagi ng Pilipinas. May letrang A sa kanyang apelyido as in “ayaw” gumastos ng sariling pera.

Leave A Reply

Your email address will not be published.