Una sa Balita

Solon bawal tawagan sa abroad

0 526

SINO daw itong miyembro ng Upper House ang muli na namang nagkuripot matapos pagbawalan ang media sa pagtawag o pagpapadala ng text message habang ito ay nasa abroad?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban, kung may tanong daw sa mambabatas ay ipadala na lamang sa kanyang e-mail address kesa aba­lahin siya sa kanyang cellular phone.

Mukhang nagkuripot daw ang mambabatas, aba’y malaki kasi ang bayad kapag sumagot siya sa text message habang nasa abroad o kaya ay tawagan ito sa cellphone.

Mayaman naman ang mambabatas na ito pero pagdating sa gastusan ay hindi mo ito maaasahan dahil hilig nitong magpalibre sa mga kaibigang negosyante.
Isa pa dito, ayaw kasi ng mambabatas na ginagambala siya lalo na kung siya ay nagbabakasyon sa abroad o probinsya.

Pintahan niyo na. Ang senador na pinagba­wal ang pagtext o tawag sa kanya sa abroad ay kilalang bigatin. May letrang N sa kanyang pa­ngalan as in Nokia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy