Una sa Balita

Solon banas sa fund raising

0 474


SA tuwing magkakaroon daw ng fund raising ang Kamara, game ang isang mambabatas na mag-ambag ng pera.

Pero ano itong natuklasan ni Mang Teban na napipilitan lang daw ang mambabatas na mag-donate upang hindi mapahiya sa kanyang mga kasamahan.

Ginagawa daw ka­sing sa­lary deduction ang ambagan kaya’t pagdating ng pay day ay bawas na ang suweldo ng mambabatas.Kahit may pera sa bulsa, hindi siya dumudukot bagkus ay ibinabawas ang donasyon mula sa kanyang suweldo.

Minsan na raw umiwas ang mambabatas sa sistema ng ambagan para sa fund raising, pero hindi pa rin siya nakaligtas nang tawagan siya ng kasamahan para mag-donate sa kanilang cause.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na banas sa mga fund raising sa Kamara ay dating nagtrabaho sa isang ahensiya ng gobyerno. May letrang B sa kanyang pangalan as in Barbers cut ang hilig niyang hair style.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy