Una sa Balita

Solon atat nang maging cabinet secretary

By
0 886

Walang kupas ang kaepalan ng isang ma­­taas na opisyal ng gobyerno na napa­ngakuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng puwesto sa gabinete.

Ayon sa source ni Mang Teban, mega im­biyerna na ang mga regional officer at ma­ging mga undersecretary at assistant secretary ng isang kagawaran ng gobyerno da­hil sa pa­kikialam ng isang opisyal ng gobyerno sa kanilang tanggapan gayong hindi pa naman ito opisyal na namumuno.

Nabatid na kaliwa’t kanang patawag ng miting daw ang ginagawa ng opisyal ng gobyerno na animo’y hindi makapaghintay sa takdang panahon ng kanyang pamamayagpag sa kagawaran.

Hindi naman umano sana problema kung magpatawag ang opis­yal ng pa-meeting, kanya lamang ay naaabala sila sa trabaho lalo na’t may mga trabaho pa silang sinusunod na utos ng kasalukuyang pinuno ng kanilang tanggapan.

Pero dahil sa takot na mapagdiskitahan ay sunod-sunuran na lamang ang mga opis­yal sa kagustuhan ng atat na umupong kalihim ng isa sa mga kagawaran ng gobyerno­.

Kahit sa kasaluku­yang puwesto nito sa gobyerno ay naging ka­pansin-pansin na ang kanyang kaepalan pero dedma na lamang ang kanyang mga kasamahan dahil senior nga ito sa kanilang hanay.
Pintahan niyo na. Ang atat na opisyal na ito ay mula sa Kongreso, kung babae o lalaki ay madali itong hulaan dahil nasa kantang Leron, Leron Sinta buko ng papaya ang palayaw ng ating tinutukoy.