Una sa Balita

Solomon Islands, muling inuga

By
0 4

Sinundan pa ng 6.9 magnitude na lindol, ang naunang ‘major quake’ sa off Solomon Islands dahilan para magbabala ng ‘hazardous tsunami waves’ ang mga awtoridad. Kasunod ng unang major quake.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang sentro ng lindol dakong alas-6:10 ng ­umaga ­kahapon sa 90 kilometro west ng Kirakira, provin­cial capital ng Solomon at may lalim na 10 kilometro.

Gayunman, sinabi ng pulisya na malapit sa ­sentro ng lindol, na wala namang naitalang anumang ­nasirang ari-arian at nasawi o nasugatang residente at hindi rin umalis sa kanilang bahay ang mga residente.

Una nang sinabi ng Pacific Tsunami ­Warning Centre na walang tsunami threat mula sa ­lindol pero kalaunan ay na-forecast ang ‘hazardous ­tsunami waves’ na may taas na 1-3 meters (3-10 feet) above tide level sa mga baybaying dagat ng Solomon.

Ibinabala rin ang pagtaas ng alon mula sa 0.3 meters sa coasts ng Australia, Fiji, ­Kiribati, ­Nauru, New Caledonia, Papua New Guinea, ­Tuvalu at Vanuatu.

Una nang niyanig ng 7.7 magnitude ­lindol ang Solomon Islands noong Biyernes.