Una sa Balita

Solo workout sinusulong ng PSC

0 331

NAIS ng Philippine Sports Commission (PSC) na payagan ng gobyerno ang mga individual workout at activity.

Kaya naglabas ang PSC sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) na may pamagat na “Framework Tool for Reintroducing Sport in a COVID-19 Environment”.

Pero ang pagbabalik ng sports at fitness activities dedepende pa rin sa quarantine classification ng lungsod.

Tulad ng mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), inirekomenda dito ang exercise session nang mag-isa o kasama ang pamilya at mga video tele-exercise session sa loob lamang ng bahay.

Papayagan naman sa nasasakupan ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang cycling, badminton, running, kata event ng karate at open water swimming.

Sa mga contact sports, pwedeng gumamit ng heavy bag, speed bag at mitts ngunit bawal ang makipag-spar. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More