Una sa Balita

Solo parent bigyan ng 7-day parental leave — Risa

0 276

ISINUSULONG ni Senador Risa Hontiveros ang isang panukala na nag­lalayong dagdagan ng pitong araw na parental leave ang mga solo pa­rent kada taon.

“If passed into law, the Expanded Solo Pa­rents’ Welfare Act or Senate Bill No. 164 will grant solo parents seven (7) additional days of parental leave annually, on top of leave privileges under existing laws,” sabi ni Hontiveros.

Ayon sa senadora, kinikilala ng panukala ang hirap at hamon ng isang pagiging solo parent.

“Raising a child is daunting, but raising a child alone constitutes a specific set of challenges and difficulties,” sabi ni Hontiveros, principal author at chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Fami­ly Relations, and Gender Equality.

“Sheroes’ ang mga kapwa ko solo moms. Ganun din ang mga tatay na mag-isa lang. Solo parents play multiple difficult roles,” dagdag pa nito.
Bukod sa paid parental leave ng pitong araw kada taon, nakasaad din sa panukala na bibigyan ng 20% discount ang mga solo parent sa mga bilihin at serbisyo sa pribadong establishment at tuition fee sa bawat anak nito.

“Para sa mga solo pa­rents, maaaring mag-isa ka lang na kumakayod. My proposal is to ensure that our solo parents are given enough support to take care of our children well,” paliwanag ni Hontiveros na isa ring solo parent.

Sa ilalim ng Expan­ded Solo Parents’ Welfare Bill, layon din nito na palawakin ang depenisyon ng solo parent kung isasama na dito ang asawa ng mga low-income overseas Filipino worker.

“Parang mga solo parents na rin ang ilan sa mga asawa ng OFWs natin. Minsan, more than a year na nasa abroad ang asawa. Kailangang suportahan ang mga asawa ng ating mga OFWs. We need to extend the solo parents’ benefits to them too,” ayon pa kay Hontiveros. (Dindo Mati­ning)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More