Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Solid Kapamilya pa rin: LizQuen walang planong maging Kapuso

0 557

Confirmed! May bagong pelikulang iniluluto para kina Liza Soberano at Enrique Gil at ang magdidirek nito ay ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Galing ito mismo sa manager ni Liza na si Ogie Diaz at sabi pa niya, nagustuhan din daw ng dalawa ang kwento kaya kaabang-abang ito.

Subok naman na sa box office ang LizQuen kasama si Direk Cathy dahil siya rin ang nagdirek sa “My Ex and Whys” na tumabo sa takilya noong 2017.

Hindi na rin makapaghintay ang fans ng LizQuen dahil huli pa silang napanood sa pelikula sa “Alone/Together” noong 2019 at sa naudlot na teleserye na “Make It With You” ngayong taon.

“This is actually exciting! Something to look forward to,” sabi ni @GilHeinrich.

“Can’t wait for this to happen! Covid umalis ka na,” tweet naman ni @ms_ancheta.

“Basta ako pag like nila ang story, dun ako. Magaling pumili ang LizQuen ng story like Alone/Together,” sabi naman ng fan na si @mapiyoon.

O ‘di ba, ibig sabihin lang nito na hindi pa lilipat ang LizQuen sa ibang network tulad ng GMA 7,at siguradong tuloy-tuloy pa rin ang karera nila sa ABS-CBN. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.