Una sa Balita

SolGen pinuna ang reaksyon sa JVA

By
0 2

Tinuring na premature at uninformed ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO) ang naging pahayag ni Solicitor General Jose Calida na illegal ang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan nito at Bureau of Corrections (BuCor).

Sa ipinalabas na ­official statement ng TADECO ­iginiit nito na mali ang pahayag ni Ca­lida, tanging ang korte lamang umano ang may hurisdiksyon na magdeklara na void ang isang kontrata.

Malinaw umano na nagkaroon ng prejudging sa JVA lalo at on-going pa lamang ang rebyu sa DOJ gayundin ay hindi pa nasisimulan sa Kamara ang imbestigasyon na una nang inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

“Where is the fairness? Perhaps the intent is to condition the minds of the public and pre-empt the review of Department of Justice as well as the House probe,” ayon sa pahayag ng TADECO.

Handa naman ang TADECO na sagutin ang lahat ng isyung ipinupukol sa kanila sa tamang forum at kumpiyansang mabibigyang-linaw ang mga pagkuwestiyon sa JVA.

“Our JVA has withstood the test of time and multiple reviews by Secretaries of Justice and several congressional investigations over so many years. All of them have found our JVA to be valid and beneficial to the BuCor and the Republic of the Philippines,” dagdag pa nito.