Una sa Balita

SolGen mawawalan ng papel sa divorce bill

0 279

MAWAWALAN na umano ng papel ang Office of the Solicitor General o sinumang legal counsel ng gobyerno sa divorce proceeding sa korte sa ilalim ng divorce bill, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Sa panayam sa DZBB kahapon, sinabi ni Hontiveros, isa sa mga may-akda ng panukala sa Senado na hindi na magiging kabahagi ang solicitor general sa pro­seso dahil ang korte na ang may kapangyarihan para dinggin ang kaso ng divorce.

“Wala na ‘yung SolGen sa proseso ng dissolution of marriage, dahil kung sa estado, nandiyan naman ang mga korte, sila ang magpapatupad ng batas na ito,” paha­yag ni Hontiveros.

“Sila ‘yung talagang mag-a-appreciate ng facts of the case o ng application for dissolution of marriage, sila ang magti­timbang sa kung anong magiging desisyon sa kasal ng mag-asawa,” dagdag pa nito.

Nakasaad umano sa 1987 Constitution na dapat kilalanin ng pamahalaan ang kabanalan ng buhay ng pamilya at proteksiyonan ang pamil­ya bilang basic unit ng lipunan.

Ang solicitor ge­neral, bilang abogado ng gobyerno, ay dapat tiyaking nasusunod ang constitutional requirement sa pagproseso ng paghihiwalay ng isang mag-asawa.

Sa nagdaang pagdinig sa Senado, isang resource speaker ang nagkuwento tungkol sa ginawang pamamagitan ng solicitor general sa kanilang annulment proceeding.

(Dindo Ma­tining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy