Una sa Balita

Solenn unang Filipina na nag-exhibit sa Palm Beach Art

By
0 3,147

Sa Palm Beach, Florida nag-spend ng Valentine’s Day ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico dahil si Solenn ang nag-represent ng Pilipinas sa Palm Beach Art and Antique Show.

Sa kanyang Instagram, pinost ni Solenn na magkasama sila sa Araw ng mga Puso ni Nico para suportahan siya dahil naka-exhibit ang ilang paintings niya roon.

“Valentine’s day with the most supportive hubby who came to Palm Beach with me to exhibit a few of my paintings,” caption pa niya.

Very proud husband naman si Nico dahil kauna-unahang Pinay si Solenn na makasama sa art exhibit na iyon.

“A different kind of Valentines! So proud of this one representing the Philippines at the Palm Beach Jewelry, Art & Antique! First Filipino artist that make it and hopefully the first of many!” post pa ni Nico sa kanyang IG.

Pero hindi pa rin nawawala ang pagiging palabiro ni Nico, lalo na kapag kasama niya si Solenn na nagiging sentro ng kanyang mga jokes.

“I am here as support system, perfect mix between ideal husband and boy toy! My main 2 roles in this trip are: 1-Holding the purse. 2-Give assurance that she doesn’t look fat in that dress (or any other that she will wear during the trip). Happy Valentines bebe! You inspire everyday! Te Amo! #solennart #pinoypride #bulliedhusbandclub #crazysweetandfunnycaptionbroughttoyoubyelbolzico.”

Mananatili ang mga paintings ni Solenn sa Palm Beach County Convention Center mula February 14 hanggang 20, 2018.