Una sa Balita

Solenn super pokpok sa ‘Cain at Abel’!

By
0 926

Gustong balikan ni Solenn Heussaff ang pagkanta dahil isa ito sa gusto niyang gawin noong hindi pa siya nagiging artista. Kaya magkakaroon daw siya ng isang acoustic session para muling ipakita ang talento niya sa pag-awit.

“I’ve been busy doing my art and doing my shows for GMA-7. Nakalimutan ko na ang favorite kong gawin which is singing.

“So I will have an acoustic session, for 10 or 15 people lang naman, tapos kakanta ulit ako.

“I just miss it and para maiba lang sa mga ginagawa ko lately,” ngiti pa ni Solenn.

May bago rin negosyo na sisimulan si Solenn na may kinalaman sa mga carpet. Ang kakaiba raw sa mga carpet niya ay one-of-a-kind ito at magkakaroon ito ng collaboration with her art.

“It’s like a special kind of carpet and it will involve art.

“If my buyer have kids, they can do some drawings of things they like to see on their carpet. I will then redo that para ‘yun ang maging design sa carpet nila.

“It’s two-in-one na. May maganda na silang carpet plus an original artwork from me,” sey pa ni Solenn.

Sa primetime teleserye na Cain At Abel, gaganap siya bilang unfaithful na girlfriend ni Dingdong Dantes.

“My role as Abigail, she’s kinda slutty. She cheats on Daniel (played by Dingdong) with other men. She’s very insecure with herself that’s why she sleeps around.

“I have dramatic scenes here which I really prepared for. Kaya excited ako to see those episodes kasi acting kung acting talaga ang ginawa ko,” pagtapos pa ni Solenn Heussaff.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy