Una sa Balita

Solenn super iyak sa paglayas ni Rhian

By
0 1,382

Parehong naging emotional sina Solenn Heussaff at Rhian Ramos sa last episode ng huli sa Taste Buddies. Noong una ay pini­pigilan pa ni Solenn ang luha niya pero kalaunan ay talagang umiyak ito lalo na nang tanungin si Rhian kung ano ang most challenging Taste Buddies episode na maituturing niya.

Si Solenn ang sumagot nito para sa kaibigan niya: “Alam ko. Today. Iyak talaga ako…” sabay tulo ng luha ng Kapuso actress.

Sad din si Rhian sa pag-alis niya sa programa kung saan naging co-host siya for two years. Humirit tuloy si Solenn na lagi siyang iniiwan ng mga babae sa programa. Aminado naman si Rhian na sobrang takot siya nang nagsimula siya sa show dahil na rin sa may sinundan na siyang naunang mga host.

“I’ve always had anxiety making friends in showbiz. I was intimidated. I was scared of everyone. But the more that I got to know everyone, they were actually very welcoming and nice and friendly pala. I was very presently surprised to actually become friends with you (Solenn). You’re so real,” say ni Rhian kay Solenn.

May plano si Rhian na pumuntang U.S. para mag-aral ng Improvisation o improv acting.