Una sa Balita

Solenn sising-sisi na nagpakasal kay Nico?

Scariest day daw sa buhay niya

By
0 3,154

Kahit na nasa magkaibang dako ng mundo ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico, hindi pa rin sila napigilan na mag-celebrate ng kanilang se­cond anniversary bilang mister at misis.

Nasa Argentina si Nico at nasa Pilipinas si Solenn, pero mabilis silang napagsasama via social media. Hindi nga magkasama ang dalawa noong nagdaang Pasko. Ayon kay Solenn na endorser ng CDP Premium Holiday Ham, sanay na raw silang mag-iwanan ni Nico, pero magkikita naman daw sila sa pagpasok ng 2018.

December 2015 nga noong magkaroon ng civil union or civil wedding sina Solenn at Nico sa Esperanza, Argentina. Ang church wedding naman nila ay naganap sa France noong May 2016.

Nag-post ng throwback photo si Nico sa kanyang IG account at inalala niya ang civil wedding nila ni Solenn.

“Two years ago we came out of this building after signing the most important contract of our lives! In the picture, our faces stilled in shock, but it was the beginning of something unique! Until today I can not believe you chose me as your partner in life and I promise to work everyday for you not to change your mind! This is a super sweet message for our 2 year anniversary of our civil wedding, something extremely relevant for any couple, and I know you forgot about it, but it is ok, I understand, just add one dot next to the ‘Wifezilla owes Nico’ list, I will see what I can exchange it for! #forevermakessense #sosbolzorigins #wifezilla4lyf.”

Hindi pa rin mawawala kay Nico ang biruin pa rin ang kanyang misis bilang paglalambing niya rito. Si­nagot naman ito ni Solenn sa kanyang IG post:

“Mi amore! Two years ago today it rained on the scariest and most memorable day of our lives. You are the best partner in life I could ever ask for! Hurry and come back home so we can celebrate. Also, I don’t need to add a dot on the wifezilla owes Nico list because of the time difference. Lol Te amo tanto!”