Una sa Balita

Solenn pinuri sa pagtalak sa mga balahurang Pinoy

By
0 1,566

Sarkastiko ang dating ng latest tweet ni Solenn Heussaff tungkol sa tamang pagtapon ng basura ng ilan nating kababayan lalo na’t sinamahan pa niya ito ng isang picture ng isang dalampisagan na ginawang tambakan ang tuyong bahagi nito.

Narito ang unang tweet ni Solenn na mulat sa disaster na nangyayari sa bansa kaugnay ng maling pagtapon ng basura.

“Every year natural disasters are worse than the last. I don’t remember so many back in grade school. And these are partly OUR fault. Everyone needs to wake up and start doing things or our kids won’t see the beautiful things we know. We need CHANGE NOW. Stop taking things for granted.”

Sinundan niya ito ng, “Bravo Pinoys! Dispose of your trash where it belongs. Not in the ocean, or street, or out of your car windows. If floods come into your home this rainy season, remember that YOU asked for it,” tweet ni Solenn.

Kelan lang, nagpaalala na ang Kapuso actress tungkol sa tamang pagtapon ng basura. Siyempre, mas marami ang dedma kesa isapuso ang payo ni Sos.

Kinailangan pa ng isang Fil-French na citizen na magpaalala kesa sa tunay na Pinoy tungkol sa maling disposal ng basura, huh! Kung tutuusin, puwedeng hindi maging concern si Sos tungkol dito dahil nakatira naman siya sa isang exclusive subdivision at namumuhay nang marangya, huh!

Pero hindi. Nasa puso niya ang pagmamalasakit hindi lang sa kapwa kundi pati sa kailikasan. Ito ang ugaling Pinoy na bihira nang pairalin ng mga Pinoy lalo na ng ibang artista.

Basta ‘yung ilang artista, kailangang lagi silang maganda sa panlabas na anyo. Who cares about their character eh, maganda naman ang image nila.

Siyempre, mali ‘yon. May responsibilidad din ang mga artista lalo na ‘yung mga sikat na maging role model ng tagahanga nila. Hindi panay fame and fortune ang tanging nasa utak nila, huh!

Sasabihin nila, meron namang non-government organizations na advocacy ang pa­ngalaan ang environment at batas tungkol sa tamang waste disposal. Pero kulang ang boses ng NGOs na ito pati na ‘yung batas na umiiral sa basura.

We need somebody like Solenn na mulat ang mga mata at vocal sa pagsasabi kung ano ang dapat gawin sa kani-kaniyang basura. Kung sino pa ang hindi purong Pinoy gaya ni Solenn, siya pa itong nananawagan sa publiko ng tamang pagtatapon ng mga basura, huh!

Bravo, Solenn!