Una sa Balita

Solenn papabuntis na kay Nico

By
0 677

Nakita ko si Solenn ­Heussaff noong ­Saturday afternoon sa isang mall sa may BGC (Bonifacio Global City). Naikuwento ng sexy actress/singer na nasa Argentina pa rin ang mister niyang si Nico Bolzico, kaya wala raw nagpa-frank sa kanya.

Pero hindi na rin daw siya mapa-frank ng kanyang mister dahil may CCTV na sila around their house kaya nakikita na raw niya sa kanyang cellphone mismo kung may inihahandang pagpa-frank sa kanya si Nico, huh!
Natanong nga pala si Solenn ng kasama ko na si Gina Jennings kung wala pa ba siyang balak na magbuntis, pero baka this year daw.

Sa ka-cute-an ng mag-asawa, marami na sa kanilang followers sa social media ang gusto na ring makita sila na magkaroon ng anak!

Oo nga pala, bumilib ako kay Solenn dahil nang makita ko siya sa mall na ‘yon, hindi pala siya magsa-shopping at ang gagawin niya ay ang mag-grocery. Si Solenn mismo ang naggo-grocery at ni wala siyang kasamang alalay.

Sanay raw talaga siya sa ganoong gawain at tamang-tama raw na hindi natuloy ang taping niya that day ng GMA-7 primetime series niya na “Cain at Abel.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy