Una sa Balita

Solenn, Paolo kabugan sa pagmi-makeup

By
0 1,910

Magkakasubukan sa galing sa pagmi-makeup sina Solenn Heussaff at Paolo Ballesteros ngayong magkasama sila sa Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment sa May 9, ang My 2 Mommies.

Bago tuluyang sumabak sa showbiz, love ni Solenn ang pagmi-makeup at ang pag-makeup sa mga kaibigang artista ang una niyang love. Si Paolo naman, hinangaan sa kanyang makeup transformation ng mga local at foreign celebrity.

Sa M2M, walang makeup transformation na ipamamalas ni Paolo at gayundin si Sos. Papapel sila bilang ‘ina’ ng isang bata at sa parteng ito mas lamang si Paolo kay Solenn dahil tatay na siya sa totoong buhay.

Kaya si Pao, relate na relate sa character niya habang si Sos eh, excited naman sa paglabas bilang first time mommy, huh!

Zia pinagkaguluhan sa Marian, Dingdong event

In full force ang Dantes family sa 10th year ce­lebration ng DongYanatics, ang grupo ng fan clubs nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na ginanap sa Discovery Primea nitong nakaraang weekend.

Talbog nga lang ang mag-asawa sa presence ng anak nilang si Zia dahil nagpasilklab ng ‘mini-concert’ ang bagets habang watching lang sina Dong at Yan, huh!

Inilabas ni Rams David, President ng Triple AAA, ang video ni Zia na nang kumanta ng Bahay Kubo. Sinundan nito ng bata ng Moana at kasunod ang ‘Skidamarink’.

Proud Papa and Mama sina Dong at Marian lalo na ang huli na sinasabihang lagyan ng action ang pagkanta, huh! Naku, hindi mapipigilan nina Dingdong at Marian si Zia kung sundan ang yapak nila sa showbiz, huh!

Kris super love si Kim

Sinorpresa ni Kris Aquino ang anak-anakan na si Kim Chui nang padalhan niya ito ng napakalaking bouquet of roses para sa kanyang kaarawan. Inorder ito ni Kris bago sila umalis na mag-iina papuntang Japan.

Pinadalhan ni Kim si Kris ng photo ng regalo niya. Eh, ka-birthday pala ng anak na si Bimby si Kim, kaya wish ni Kris, “Here’s to LOVE, LAUGHTER and of course, happily ever after.

“Up or down, busy or not – saan man ako, her love and concern for me never changed. That’s why I know she’s the real deal. Happy birthday Kimmy (19 April 1990). WE LOVE YOU!!!” mensahe ni Kris.