Una sa Balita

SOLENN AT NICO, WALANG AWAYAN SA DATUNG!

By
0 395

Naniniwala si Solenn Heussaff na ‘forever’ na ang pagsasama nila ng mister na si Nico Bolzico.

Diretsahang sinabi ni Solenn sa interview ko sa kanya sa presscon ng Full House Tonight na hindi sila nagpirmahan ng ‘pre-nup’ nung ikasal sila.

Natanong namin kay Solenn ang tungkol sa ‘pre-nup’ dahil gumagawa ng pangalan ang aktres ngayon sa mga painting exhibits niya at posibleng yumaman pa siya nang husto dahil sa kanyang mga artwork.

Kilalang businessman naman si Nico, pero hindi matatawaran ang kinikita ni Solenn bilang artista, endorsers, at pati na sa mga ­paintings niya.

Magkasosyo rin sa negosyo sina Solenn at Nico. At sa batas, kung wala kang pinirmahang ‘pre-nup’, kung anuman ang kayamanan ng mag-asawa, hahatiin ‘yon sa sandaling maghiwalay sila.

Pero, sabi nga ni Solenn, hindi mangyayari ‘yon sa kanila ni Nico, dahil forever na ang pagsasama nila.

Hindi raw niya naiisip na magkakahiwalay pa sila. Wala raw silang ibang iniisip kundi ang magkasama sila sa araw at gabi.

Kung sakali man daw na magkaproblema sila at maghiwalay, hindi rin magiging isyu sa kanila ang money.

Anyway, masaya si Solenn sa married life niya at wala raw nabago sa pagsasama nila ni Nico. Pero, ‘yun nga lang, wala pa raw silang balak pakasal dito sa ‘Pinas.

Gusto ni Solenn na kapag ikinasal sila ni Nico dito sa ‘Pinas ay may anak na sila.

Siyanga pala, naitsika rin ni Solenn na kinabahan at nahirapan talaga siya sa unang salang niya sa Full House Tonight dahil na-intimidate siya sa mga kasama niyang komedyante. Pero dahil likas din siyang baliw, nakagaanan na rin daw niya agad ng loob ang mga kasamahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More