Una sa Balita

Solenn, Nico nag-away sa wine store

0 530

Muntik magbayad ng P200,000 si Solenn Heussaff sa isang klase ng alak, matapos niya itong mabitiwan at mabasag sa sahig. Kitang-kita sa YouTube channel ng kaibigan niyang si Isabelle Daza ang pangyayari nang ­bumisita sina Solenn at mister nitong si Nico Bolzico sa isang wine store.

Ipinakita ng wine manager ang bote ng alak at sinabing nagkakahalaga ito ng P200,000. Nilaro at pinalipat-lipat ni Nico ang bote sa kanyang mga kamay, at saka ibinato kay Solenn na hindi nasalo ang bote at nabasag sa sahig.

Kitang-kita sa reaksyon ni Solenn ang pagkagulat sa nangyari. Panay ang tanong niya sa asawa kung ano ang ginawa nito, na sumagot naman ito na ini-stress siya ni Solenn.

Nagkaroon ng tensyon sa pangyayari, pero sinabi ni Solenn na babayaran na lang niya ang nabasag na wine, na tinutulan ni Nico. Sinabi pa ni Solenn na ang pambabayad niya ay ga­ling sa kanyang sariling pera.

Sa puntong ito, isang lalaki ang lumapit at nag-request na kung puwede ay magpakuha ng photo kay Solenn dahil fan siya nito. Itinutulak ni Nico ang la­laki na siyang ikinabaliw ni ­Solenn. Sinabihan nito si Nico na tigilan nito ang pagtulak sa lalaki.

Nasa kalagitnaan ng mainit na tensyon sina Solenn at Nico, at sa store manager nang dumating si Isabel at sinabing prank lang ang lahat.

Kinuntsaba ni Isabel ang store manager, ang lalaking nagpapakuha ng photo at si Nico para i-prank si Solenn, at hindi rin totoong P200,000 ang halaga ng nabasag nito.

Sa buong pangyayari, bumilib si Isabel sa kaibigan dahil sa handa nitong bayaran ang alak kahit P200,000 ang halaga nito.

Angeline mas malanding
gumiling kina Kim, Salvador

Puspusan ang pag-eensayo ni Angeline Quinto sa pagsasayaw bilang paghahanda sa showdown na posible niyang gawin kasama sina Kim Chiu at Maja Salvador, na kilalang mga dance floor animal sa “ASAP.”

Mapapanood sa Instagram ni Angeline ang mga choreographed dance moves nito kasama ang isang lalaki sa studio ng G-Force. Base sa ipinamalas ni Angeline, humahanga ang mga follower niya sa pagsasayaw niya dahil may ibubuga naman pala ito.

May landi ang pag-indayog ng balakang ni Angeline at libog ang kanyang mga kembot, na parang handa na itong makipagsabayan o makipagpaligsahan pa sa sayawan sa d­alawang aktres.

Kung hindi nakilalang singer si Angeline, aakalain ng netizen na isa itong dancer dahil sa kakayahan nito.

Sawsaw sa vlog!
Jinkee inggit kina Alex, Kathryn

Kahit marami na silang pera at hindi na kailangan pang kumita, sumawsaw na rin sa YouTube si Jinkee ­Pacquiao. Naka-post sa Instagram ni Jinkee ang unang sabak niya sa vlogging, sa familiarity game nilang dalawa ng kanyang mister na si Sen. Manny Pacquiao.

May hawak na card board ang dalawa at sinasagot nila nang magkahiwalay ang tanong sa kanila. Hindi na dapat pagtakhan pa sa pagsawsaw si Jinkee sa vlogging dahil kilala siya sa madalas na pag-a-upload ng mga fashion ­picture niya sa Instagram.

Ang kanyang mga anak ay may sari-sarili ring YouTube channel, kaya naman posibleng naengganyo ito ng mga bata.

Lahat naman halos ng may YouTube account, gaya nina Alex Gonzaga at Kathryn Bernardo, ang isa sa mga dahilan ay para kumita, hindi lang para ibahagi ang kanilang mga trip sa buhay. May mga nagtatanong tuloy na pabiro, kulang pa ba ang mga Hermes bag niya?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More