Una sa Balita

Solenn, ‘napapabayaan’ na ang dyowang si Nico

By
0 90

solenn-nicoSi Solenn Heussaff na mismo ang nagsasabi na hindi siya puwedeng tawagin na perfect wife sa kanyang mister na si Nico Bolzico.

Dahil sa napaka-busy na sche­dule ni Solenn, halos wala raw siyang maibigay na panahon para sa kanyang mister.

Ilang beses na raw ­siyang umuuwi na naabutan niyang tulog ang kanyang mister. Hindi rin daw niya ito maabutang gising dahil umaalis siya ng maaga para sa susunod na commitment niya.

Nagpapasalamat lang si Solenn dahil ­sobrang ­understanding ng kanyang mister. Noong ikasal daw sila ay alam ni Nico ang ­buhay nito bilang ­celebrity.

Nitong ­nakaraang ho­liday ay lumipad si Nico papuntang Argen­tina para doon mag-spend ng New Year kasama ang ­pamilya niya. Naiwan dito si ­Solenn dahil may mga trabaho pa ­siyang tinatapos.

Nataon pang first anniver­sary ng kanilang pagpapakasal na ­ginanap sa Buenos Aires, ­Argentina.

Pero kahit nagkahiwalay sila over the holidays, nagpa­litan ng messages ang mag-asawa via Instagram.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy