Una sa Balita

Solenn nakikipag-usap sa multo

By
0 288

Ewan namin kung hanggang ngayon ba ay bukas pa rin ang third eye ni Solenn Heussaff dahil noon ay naikuwento niya na nakakakita siya ng mga ghost o kaluluwang gala lalo na nung teenager pa siya pero dini-dedma na lang niya ito.

Natutunan daw niya itong kausapin na huwag na siyang gambalain at huwag masyadong bigyan ng atensiyon ang anumang nakikita niya na kakaiba sa normal na nakikita ng mga mata ng isang tao.

Ang kauna-unahang paranormal experience nga raw ng isa sa miyembro ng ‘It Girls’ ay nung sila ay nasa France pa kasama ang kanyang dalawang kaibigan na nasa surfing camp sila.

Habang nasa beachfront daw sila at habang tini­tingnan nila ang magandang view ng kalawakan ng beach na ‘yun, mayroon daw humila sa kanyang forearm at hinila rin siya paatras. Pero, hindi raw niya ito binigyan ng anumang masamang kahulugan hanggang nakakakita na nga raw siya ng mga multo.

Meron din daw silang katulong noon na kailangan nilang dalhin sa isang psychiatric hospital matapos nitong makakita ng kapre sa puno ng kanilang mangga. Pero, ‘yung puno na ‘yun ay pinaputol na nila.

Lumalabas nga na meron siyang third eye kaya nakakaranas siya ng paranormal churva, pero ang pagkakaalam namin, habang nagkakaedad siya ay wala na siyang nararanasang ganito.

Well, malay natin, noh? Unless ipinasara na niya nga ito.

Korekek!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy