Una sa Balita

Solenn nagpanggap na Gal Gadot sa Israel

By
0 2,033

Nakakatawa itong si Solenn Heussaff dahil pinost pa niya sa kanyang website na ang kanyang pagpanggap bilang ang Hollywood actress na si Gal Gadot noong magbakasyon siya sa Israel noong nakaraang December 2017. ‘Yun nga lang ay epic fail ang pagiging poser niya kay Wonder Woman.

Ayon sa post ni Solenn, nagawa raw niyang magkunwari bilang si Gal dahil gusto niyang mabigyan siya ng discount sa isang pinuntahan niyang bilihan sa Shuk or marketplace sa Jerusalem. Pero hindi raw naniniwala ang kausap niya na siya si Wonder Woman.

“Also called the ‘shuk’ of Jerusalem, this market sells everything and anything under the sun. You can get a souvenir here to take home for pasalubong! Just don’t forget to make tawad. I attempted to get a discount by pretending to be Gal Gadot. Lol.”

Pumunta rin si Solenn sa Tel Aviv para sa cover shoot niya para sa isang women’s magazine.

“This is the third time I’ve gone to Israel.

“I seriously fall in love with it more and more every time I go,” sey pa ni Solenn sa kanyang blog site.

Hindi rin pinalagpas ni Solenn ang masubukan ang magtampisaw sa Dead Sea.

“The Dead Sea is known to be the lowest place on Earth. It’s one of the world’s natural wonders and the waters are said to heal. Don’t forget to float (you won’t be able to help it anyway, haha) and to treat yourself to a Dead Sea mud treatment after floating!”

Sa kanyang post sa Instagram, makikitang lumulutang si Sos sa tubig dahil sa sobrang dami ng asin na nasa Dead Sea.