Una sa Balita

Solenn, nagpaelya sa Bali!

By
0 647

Dumulas na naman daw ang sahig ng mga kalalakihan matapos ilabas ni Solenn Heussaff ang kanyang semi-nude photo kung saan isang malaking sumbrero lang ang nakatakip sa kanyang frontal private parts.

Eh, kahit nga nakapag-sexy get up nga lang si Solenn ay marami na ang ‘naeelya’ sa kanya, heto pa kayang halos masilip na ang likod ng kanyang ‘kalangitan?’

Kahit sabihin pang may asawa na si Solenn, isa pa rin siya sa pinagnanasahan ng mga kala­lakihan dahil nga raw sa pagiging hot and sexy nito.

At si Solenn naman, na kilala bilang libera­ted na babae, naku, parang mas lalo pa atang nanunukso dahil may iba pa siyang sexy photos na ipinost na kuha sa Bali, Indonesia.

Masuwerte rin siya dahil liberated din ang mind-setting ng kanyang asawang si Nico Bolzico dahil kung iba-iba nga lang, magiging dahilan ito para pagsimulan ng selos at away ng mag-asawa.

Sa kanyang IG post, meron itong caption na, “Owning up my own bathing suit tag.“

Sa comment sections naman, magkahalo rin ang naging reaksyon dito.

May nagsasabing mas sexy pa raw siya kay Jessy Mendiola at may nagsasabi ring kahit may asawa na ay pasaway pa rin.

Nakakatuwa nga na may nagsabi na sana raw ay siya na lang ‘yung sombrero, at may nagkomento naman na ito ay isang form of art.

Oh, ‘di ba? Ikaw na talaga, Solenn!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy