Una sa Balita

Solenn, may pagnanasa kina Dennis at Neil!

By
Solenn Heussaff
0 7

Kahit na may asa­wa ang sexy Kapuso star na si Solenn Heussaff, hindi pa rin daw nawawala ang pagkakaroon niya ng celebrity crush. Sa isang segment ng show niyang Taste Buddies, tinanong si Solenn kung sino ang mga pinagnanasaan niyang mga ce­lebrities ngayon?

Aminado si Solenn na ang type niya ay mga bad boy ang dating.

May dalawa akong crush sa showbiz, bad boy silang pareho. Dennis Trillo and Neil Sese,” mabilis na sagot ni Solenn.

Si Dennis kasi ay nakatrabaho ni Solenn sa pelikulang Lakbay2Love, samantalang si Neil naman ay kanyang katrabaho ngayon sa telefantasya na Encantadia.

Nilinaw naman ni Solenn na crush lang daw ang mga ito. Wala naman daw issue iyon sa mister niyang si Nico Bolzico.