Una sa Balita

Solenn, hindi pa handang maging nanay!

By
0 154

Kahit na busy sa kanyang career sa showbiz, hindi raw iiwan ni Solenn Heussaff ang kanyang hilig sa makeup at nais niyang i-share ito sa ilang mga babae na gustong matuto na mag-apply ng makeup.

Pinarangalan nga si Solenn bilang “makeup designer and woman of worth by L’Oréal”. Sa mga hindi nakakaalam ay nag-aral na maging isang makeup artist si Solenn sa Paris, France bago niya pasukin ang showbiz.

Kaya ang kanyang mga nalalaman sa makeup ay ise-share niya sa pamamagitan ng isang True Match Makeup Workshop, isang makeup tutorial to teach Filipinas to enhance their natural beauty with a little help of beauty products.

Nagsimula siya noong July 12 at nagkakaroon ulit siya ng tutorial sa July 30 sa SM Megamall.

“Can’t wait for my 2nd tutorial open to the public on July 30 at 3pm in SM Megamall. See ya there girls,” post pa ni Solenn sa kanyang Instagram.

Sa kanyang buhay ngayon bilang Mrs. Bolzico, sey ni Solenn ay halos wala naman daw nagbago. Nagkaroon lang daw siya ng bagong family name at wala na raw adjustment na kailangang maganap sa buhay nila ng kanyang mister.

“We’ve been together for a long time na. ‘Yung pagpapakasal namin, it just sealed the deal. All those years of deciding just came and we decided to get married na.

“My life is still the same. Nico wants me to enjoy my career as much as I can.”

So, hindi pa siya handa maging ina?

“Bahala na kung kelan siya darating sa buhay namin,” sey pa ni Solenn.

Tatlo nga ang shows na pinagkakaabalahan ni Solenn sa GMA-7: ang cooking show na Taste Buddies, ang sexy comedy na A1 Ko Sa ‘Yo at ang telefantasya na Encantandia kunsaan ginagampanan niya ang role bilang si Cassiopeia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More