Una sa Balita

Solenn gustong ipinta nang hubo’t hubad ni Derrick

0 1,023

Multi-talented talaga itong si Derrick Monasterio. Hindi lang siya mahusay umarte, at kumanta, kundi mahusay rin siyang magpinta, ha!

Makikita nga sa Instagram na @derrickpaints ang mga likhang art ni Derrick, na sa tingin ko ay ang bobongga talaga. At sabi nga niya, matagal na raw niyang ginagawa ‘yon, pero dahil sa sob­rang busy siya noon, nakalimutan niya pansamantala.

At nga­yong may time na siya ulit, kaya naman nakakarami na siya ng mga painting.

‘Yun nga lang, kung siya ang masusunod, ayaw raw niyang ibenta ang mga art niya. Mas gusto niya na i-display lang sa bahay niya.

“Pero wala pa akong bahay sa ngayon na sarili, kaya baka hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang mga ‘yon,” sabi ni Derrick, na mapapanood nga ulit sa “Dra­gon Lady” ng GMA 7.

Anyway, ina­min ni Derrick na kung may type siyang ipintang artista na hubo’t hubad, si Solenn Heussaff ‘yon.

“Si Solenn talaga. Para sa akin nasa kanya ‘yung pinaka-perfect na body ng isang babae.”

Pero dahil painter/artist din si Solenn, dapat siguro ay magpa-paint ka rin sa kanya nang hubo’t hubad?

“Hindi puwede, eh. Baka kulangin ang painting niya, ‘yung canvass. Hahahaha!” pabirong sagot nito.

Puwede naman bumili ng mas malaki, ha!

“Kakapusin talaga, eh. Hahahahaha!

“Pero, ang galing niyang mag-paint talaga. Nakita ko na. Puwede rin naman akong magpa-paint sa kanya. Maganda ‘yon. Artist kami pareho.”

Pagdating naman sa lovelife, kahit marami ang nagsasabi na may dyowa siya ngayon na isang beauty queen, ayaw pa ring aminin ito ni Derrick.

“Basta, I’m seeing someone.”

Bakit ba ayaw niyang aminin?

“Hindi naman sa ayaw, o mahirap aminin. Ayoko lang siyang agawin ng iba. Madamot ako pagdating sa ganiyan. Possessive ako. Oh, ‘di ba? Hahahaha!

“At saka, hindi pa naman kasi kami. Dating-dating pa lang.

“Normal naman ‘yon para sa isang single guy na makipag-date, ‘di ba?”’

Parang kataka-taka na hindi ka pa niya sinasagot, ha! Eh, ‘di ba nga, wala namang nambabasted sa kanya?

“Hindi rin. Sa totoo lang sa ratio ng pagbasted at pagsagot sa akin. Out of 10, 6 ang bumasted sa akin, at 4 ang sumagot sa akin.

“Feeling ko kasi showbiz ako, kaya ayaw nila. ‘Yung iba tingin nila immature ako, mababaw. ‘Yung iba naman, iniisip agad nila, may oras ba ako sa kanila.

“Pero mas gusto ko talaga ang non-showbiz. Wala pa akong naging girlfriend na taga-showbiz. Pero may mga niligawan ako.

“Ang non-showbiz kasi hindi magulo. Hindi lalabas ang balita kapag may nangyari na hindi maganda,” sabi lang ni Derrick.

Anyway, si Derrick nga, kasama sina Bea Binene at Kristoffer Martin na mapapanood sa unang linggo ng “Dragon Lady,” na pagbibidahan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez sa GMA 7.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More