Una sa Balita

Solenn, ayaw paawat sa ‘PAGHUHUBAD’!

By
0 250

Gaya nung sinabi ni Solenn Heussaff ay walang mababago sa kanya kahit kasal na siya. Totoo nga, dahil agad-agad siyang nag-post ng larawan niya sa Instagram wall niya na nakahubad siya, na suot lang ang belo na pangkasal.

Habang nakasalukbong sa kanya ang belo, nakatalikod at nakahubad na nagpagkuha ng larawan ang Kapuso star. Suot lang niya ay T-back panty na kulay puti.

Kabilang ang larawan sa pre-nup shoot ni Solenn. Nagbiro pa nga si Solenn sa caption na…

“Like I said, marriage won’t change me. Hahaha!”

Ilan lang ito sa mga kakatuwang photos sa wedding ni Solenn na makikita sa isang link na mababasa sa kanyang posts. Pangalan lang daw ang nabago kay Solenn dahil nadagdagan na ito ng Bolzico pero kung ano ang roles na ibibigay sa kanya at kaya niyang gampanan ay gagawin pa rin niya.

Kung kailangan daw mag-sexy mga pictorials, walang problema kay Solenn, lalo at supportive raw sa career niya ang asawa.

Balik na sa Pinas ang mag-asawa last week pa. At isang kaibigang ca­bin crew sa Qatar Airways ang puring-puri ang Kapuso actress dahil sa pagiging accommodating nito.

Walang alinlangan at masaya pa raw na pumayag sa picture taking si Solenn na kasama sila. Gandang-ganda rin ang kaibigan namin sa aktres sa natural no-make up appearance nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More