Una sa Balita

Solar power mas bet ni Duterte

0 236

PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte sa solar power plant dahil malinis at mas ligtas ito kung ikukumpara sa coal power plant.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng 7.5 MWP Tuminglad solar power project sa Odiongan, Tablas Island, Romblon noong Miyerkoles.

“Ganito ang istorya niya, those who are producing oil and coal are always against itong hybrid lalo na kung solar. And all sorts of stories about the disadvantages of having a solar that it cannot withstand—well of course the forces of nature,” sabi ng Pangulo.

Aminado ang Pangulo na mas mura magpatayo ng coal at oil power plant pero malaki naman aniya ang pinsalang dulot ng mga ito sa kapaligiran.

“You have a cheap power plant—coal, oil, but the fossil, the carbon, the fossil fuel leaves a lot of carbon footprints in our country. And I do not know how it would impact on the next generation,” ayon kay Pangulong Duterte.

Ang panawagan aniya ng mga tao ngayon ay para sa isang makabagong enerhiya o renewable energy na hindi makakapinsala sa ating kapaligiran.

Binigyang-diin pa ng Pangulo na ang mga solar power plant project katulad ng itatayo sa Odiongan ay sumusuporta sa layunin ng gobyerno na bilisan ang pag-develop ng mga renewable energy sources sa bansa upang mabawasan ang labis na pagsandal ng Pilipinas sa mga traditional energy sources katulad ng coal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy