Una sa Balita

Sol Mercado nag-iinarte sa Phoenix

0 3,091

Aminado si Phoenix Pulse Fuel Masters coach Louie Alas na nasa desisyon ng kanilang management­ kung tuluyan na kukunin ang serbisyo ng beteranong guard na si Sol Mercado o tuluyan na lamang pakakawalan matapos na hindi magpakita ang manlalaro sa pagbabalik ensayo ng koponan para sa 2020 PBA Philippine Cup.

Nakipagpalit noong Lunes ang Fuel Masters para makuha ang serbisyo ni Mercado mula sa NorthPort Batang Pier habang ibi­nigay nito ang mga manlalaro na sina LA Revilla at Rey Guevarra.

Gayunman, nalaman kay Alas na hindi nagpapakita sa kanilang ensayo si Mercado matapos ang naganap na trade.

“Beterano na si Sol at malaki ang maitutulong niya sa amin pero management ang magde-decide,” sabi ni Alas, na una nang kinuha ang serbisyo nina Jake Pascual at Brian Heruela para mapalakas pa nito lalo ang koponan habang hinihintay ang isa sa inaasahan na si Calvin Abueva.

Problema sa Phoenix ang iniulat na natapos na ang kontrata ni Mercado sa NorthPort matapos maganap ang trade kung kaya maaaring maghanap ito ng kanyang koponan na gustong paglaruan kung hindi makakakuha ng panibagong kontrata sa team.

Una nang naglaro sa loob ng apat na taon si Mercado para sa Ginebra bago nalipat sa NorthPort. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More