Una sa Balita

SoKor nag-donate ng $200K sa mga bakwit

0 259

UMAABOT sa US$200,000 o nasa P10-milyong piso ang ibinahagi ng South Korean Government para sa mahigit 45,000 evacuee na sinalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Personal na iniabot ni Korean Ambassador Han Dong-man ang tseke kay Senator Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross (PRC) bilang bahagi ng humanitarian assistance ng South Korean para sa mga apektado ng pagsabog at pagbuga ng abo ng bulkan.

Nabatid na ang South Korean government ay patuloy na tumutulong sa PRC para umasiste sa mga natural disaster na tulad ng pagbuga ng lava ng Mayon Volcano noong Pebrero 2018, pagbayo ng Bagyong Ompong noong Setyembre 2018 at sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao noong Oktubre 2019. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More