Una sa Balita

Sofia vs. Rachel

Who wore it better?

By
0 3,089

Pinagsasabong ngayon ng netizens sina Sofia Andres at Miss Philippines Universe 2017 Rachel Peters kung sino raw ba sa da­lawa ang totoong Swimwear Goddess?

Noong February 14 ay nagpasabog si Sofia ng kanyang kauna-unahang swimwear post in two-piece na talaga namang hinangaan ng mga netizen.

Fresh and very innocent-looking si Sofia na walang bahid ng kabastusan ang kanyang pagsuot nito, bukod pa siyempre sa kanyang kutis porselana na isa sa pinaka-asset niya.

Although, kulang pa sa korte ang kanyang katawan dahil bata pa naman siya, pero balakangin nga rin ang Kapamilya actress kaya gandang-ganda pa rin ang kanyang mga supporters lalo na ang male specie.

Now, paano naman pinagsasabong ito with Rachel Peters na alam naman nating isa sa pinakaseksing beauty queen natin dahil sa mahaba nitong biyas at katawang pang-coca cola?

Kasi nga naman, ang suot na bikini ni Sofia ay halos kapareho ng suot ni Rachel sa isa sa mga post nito noong nakaraang taon. Same brand, same color and same cut.

So yun, marami ang nagtatanong kung sino ang mas nabigyan ng hustisya ang pagsuot nito?

Ang kutis gatas bang si Sofia, o ang kutis-tsokalateng si Rachel?

Ang actress ba o ang beauty queen?

Siyempre, may kanya-kanyang opinyon ang netizens, depende kung sino ang iniidolo niya, noh!

Beauty is in the eyes of the beholder, devangah?

Pero, who wore it better nga ba?

Erich wagi sa billing vs. Lovi

Itinanggi ni Lovi Poe na may silent war sila ni Erich Gonzales dahil sa billing nila sa pelikulang The Significant Other ng Cineko Productions at Star Cinema. Marami kasi ang nag-i-expect na siya ang ‘and’ sa billing dahil bukod sa award-winning actress siya ay marami na rin siyang nagawang pelikula.

Para sa moviegoers, kung sino ang may ‘and’ sa billing ay siya ang mas bida, siya ang mas ma­laki ang pangalan at mas may impact.

Pero, hindi nga ganito ang kina Lovi at Erich, dahil una sa pangalan ang Kapuso actress, sumunod si Tom, then ang Kapamilya actress na.

Pero, ayon naman kay Lovi, it really doesn’t matter kung sino ang nauna sa billing, o kung sino ang may ‘and’. Ang importante ay maganda ang movie, maayos ang kanilang working relationship at tangkilikin ito ng mga manood.

Hindi naman daw siya billing conscious. As long as she was treated well and with respect, at naalagaan naman ang kanyan role pati na ang kanyang pag-arte, okey na siya doon.

Huwag na lang daw silang gawan ng intriga ni Erich dahil magkaibigan sila.

‘Yun na!