Una sa Balita

Sofia pinagpawisan sa nude video ni Diego

By
0 21,682

Nagulat na parang nahihiya pa si Sofia Andres nang tanungin namin siya tungkol sa kumalat na nude photo, video ni Diego Loyzaga na erased na rin naman ngayon sa sarili nitong Instagram account.

Hindi raw niya alam ang ganung pangyayari at nalaman lang niya ito nang itanong ito sa kanya sa grand presscon ng pelikulang Mama’s Girl na opening salvo ng Regal Entertainment Inc. ngayong January 17.

Hindi rin daw niya alam kung kukumprontahin niya ito tungkol dito dahil malaki na raw si Diego para magdesisyon sa anumang gusto niyang gawin.

Wala ba siyang planong silipin ang ‘birdie’ ni Diego? Tawa lang ang sagot ni Sofia na hiyang-hiya sabay paling sa shoulder ng isang katoto.

“Pinagpapawisan po ako,” ang tanging nasagot niya.

Kahit nga raw halos araw-araw silang magkakasama sa promo ng Mama’s Girl, hindi raw niya ito tatanungin tungkol dito hangga’t ito na mismo ang magkuwento sa kanya.

Awkward nga naman para sa isang babae na parang siya pa ang lalabas na curious sa ari ng isang lalaki, devah?

Anyway, fun-fun daw ang eksena nila while doing the movie dahil vibes na vibes silang lahat lalo na siyempre silang dalawa ni Diego at Sylvia Sanchez na naging close na close na sa Atayde family kung saan nag-bonding pa nga sila sa Singapore.
Bongga!