Una sa Balita

Sofia perfect na kontrabida kay Liza

By
0 2,030

Muling ginulat ni ­Sofia Andres ang mga manonood ng ­‘Bagani’ matapos niyang ­bumalik sa serye bilang si Mayari na nabuhay mula sa mga patay. Ngunit sa pagbabalik ng dating Bagani, babanggain niya ang da­ting mga kaibigan at makikipaglaban para sa kasamaan bilang isa sa mga kampon ni Malaya (Kristine Hermosa).

Sa paghahangad na sirain ang mga Bagani, binuhay ni Malaya ang katawan ni ­Mayari, na siyang ina­tasan ng diyosa na pumaslang kay Lakas (Enrique Gil). Ang pagkamatay naman ni ­Lakas ang inaasahan ni Malaya na magpapa­usbong sa itim na kapangyarihan ni Ganda (Liza Soberano).

Nag-trend sa ­Twitter ang hashtag nitong #BAGANIPrOppose, kung saan idineklara ng mga netizen ang pagkagulat nila sa pagba­balik ni Mayari. Sabi ni @AlvinAca­yen, “Sofia ­Andres as Mayari is back guys. But this time, to the dark side?”
Ilang buwan na mula nang unang ginulat ni Sofia ang mga manonood noong namatay si Mayari, ang karakter ng ­aktres na Bagani ng mga Taga-­laot.

Ano kaya ang magi­ging reaksyon ng mga Bagani sa pagbabalik ni Mayari? Pagkatiwalaan kaya nila ang ­dating kasama?
Well, sabi nga nila, perfect na kontrabida raw si ­Sofia kay Liza. Magkaiba raw kasi talaga ang ugali ng dalawa. ­(Dondon Sermino)