Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sofia pang-14 sa short program

0 177

RUMAGASA sa kanyang debut sa 2022 Four Continents Figure Skating Championships si Filipino-American figure skater Sofia Frank sa Tallinn, Estonia.

Nitong Huwebes (Manila time), tumapos si Frank sa ika-14th place ng women’s short program na may iskor na 52.74. “My 4 Continents Championships Debut! Thank you everyone! So much love and support!! I feel it!” wika ni 16-year-old Frank sa kanyang Facebook.

Nanguna sa short program ng kumpetisyon si Japanese figure skater Mai Mihara na nagtala ng 72.62, sumunod si Korean Haein Lee na pumoste ng 69.97 habang pumangatlo si Yelim Kim ng Korea na nakakuha ng 68.93 marka.

Samantala, muling aariba si Frank para sa women’s free skating event ng torneo ngayong Sabado. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.