Una sa Balita

Sofia ninakawan sa event

0 234

Idinaan sa Instagram story ng batang aktes na si Sofia Andres ang tungkol sa nangyaring hindi maganda sa kanya habang nasa isang kaganapan.

“I just wanted to say sorry to some people I treated differently when I snapped out at @manilasundance. It was a stressful day,” sabi ng aktres.

Active kasi ang actress sa Instagram lalo na sa kanyang Instagram story pero nu’ng araw na iyon ay tila hindi siya gaanong nag-update sa kanyang IG story at nagulat na nga lang ang mga fan na nag-post ang aktres kaugnay sa nangyari.

“To that person who got my phone. You cant use my phone anymore because I locked my iCloud already,” sabi pa ng aktres.

Meaning ay ninakawan ang aktres ng phone at tinangkang pasukin ang mga personal account niya.

Naintindihan naman ng mga fan kung sakaling may nasungitan siya sa kaganapan dahil nga nagkaroon ng hindi kanais-nais na eng­kwentro ang aktres. Pero, kailangan talaga ng matinding ingat nga­yon dahil hindi mo alam na bigla na lang may mga ganyang eksena agad-agad, ha! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy