Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sofia, Daniel super rampa sa Italy

0 108

Rampa to the max sa Italy ang magdyowang Sofia Andres, Daniel Miranda, contrary sa mga chika na kesyo may problema sila, o hiwalay na sila.

Aba, para ngang nagha-honeymoon ang dalawa sa mga lugar na pinuntahan nila. Mula Florence, Rome sa Italya nga ang mga lugar na pinuntahan nila, na kaiinggitan mo talaga, na sa edad nila ngayon ay nagagawa talaga nila ang maglibot sa buong mundo, ha!

Inggit much din ang marami sa mga photo nila sa Gucci Garden Boutique.

At siyempre, marami ang kinilig sa kanila. Panay rin ang repost ni Daniel ng mga video, photo na pinu-post ni Sofia.

At again, mababasa ang mga komento sa kanila na huwag na huwag silang padadala sa mga intriga, at hindi sila dapat maghiwalay. Ang iba, ipagdarasal nila ang relasyon nina Sofia, Daniel. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.