Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Social media star Mitch Raymundo bagong ‘Kaldag King’

0 13

Kung ikaw ang tatanungin ko ano ba ang unang papasok sa isip mo kapag narinig mo ang pangalang Star Image Artist Management (Well…Alam na this charr!). Sa kabila kasi ng mga intriga at kontrobersiya na ipinupukol sa kanila ay nanatili pa rin itong matatag at matibay sa lahat ng isyung kanilang kinakaharap. Pero kumusta naman ba ang ibang artist na bibihirang makarining ng balita tungkol sa kanila.

Kilalanin natin ang social media artist na si Mitch Raymundo isa sa mga miyembro ng nasabing management, sadyang tahimik lamang pero gumagawa naman ng kanyang sariling pangalan sa larangan ng social media influencing.

Pero sino nga ba si Mitch at paano siya nakilala? Kagaya ng ilang mga baguhan sa industriya nagsimula lamang ito kasagsagan ng pandemya at gaya rin ng karamihan dahil sa inip at walang magawa sa bahay dito niya naisipan na gumawa ng content at i-upload ito sa kanyang TikTok account.

Pero alam niyo ba na bago pa man umingay ang pangalan ni Mitch sa mundo ng social media ito ay namamasukan bilang isang account manager sa isang IT company at bukod pa riyan ang 23 anyos na binata na tubong Mandaluyong ay isa rin palang SK Kagawad (Pak! Artist turned Politician pala ang peg Lol!).

Sa aming kwentuhan ni Mitch marami kaming napag-usapan, isa diyan ang kanyang ginawang BL series na Amore under star image production pero syempre hindi rin ito nakaligtas sa ipinapa-tanong ng mga netizens at ng mga chismosa nating kapitbahay kung may jowa raw ba ito ngayon at ang sagot niya.

“May nila-loveteam kasi sakin Tiktoker din siya si Queen Hera masaya naman and gumagawa kami ng mga contents for our followers” saad ni Mitch.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang akin naman tanungin kung ito ba ay publicity lamang or for entertainment purposes ang kaniyang sagot.
“Nanliligaw po ako halos 1 month na rin po” (kaya naman sorry mga beks uwian na may nanalo na sa puso ni Mitch Lol!).

Samantala ng akin naman uriratin ang mga content na ginagawa niya sa Tiktok nabanggit ko na umaani talaga ng milyun-milyong views ang mga pahubad, patakam at pakaldag na videos nito kaya naman siya ay binansagan ng mga netizens na “Kaldag King” dahil kapag kumaldag na si Mitch ay siguradong putok ang panubigan ng makakapanood .

Habang lumalalim naman ang aming kwentuhan sinamantala ko na ang pagkakataon na tanungin ito kung may mga nanliligaw ba sa kaniyang mga mayayamang bading.

Ang sagot nito.”Well Dj Tin abangan nalang nila lahat ng sagot ko at mga karanasan ko sa bading sa program mo this Sunday.”

Kaya naman abangan si Mitch Raymundo ngayong Linggo alas-3 ng hapon sa Abante Radyo Tabloidista syempre with yours truly ang Reyna ng Chika sa balat ng social media.

Leave A Reply

Your email address will not be published.