Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Social media star Gabo Alonzo bagong buhay na

0 81

Hindi na lingid sa ating kaalaman na minsan talagang naging maingay ang pangalan ni Gabo Alonzo sa mundo ng social media kaliwa’t kanang intriga ang ipinukol sa kanya. At ang pinakamatindi sa lahat ay nang madawit ang kanyang pangalan sa bangayan nina Awra Briguela at Buknoy Glamurrr.

Para kay Gabo sa dami nang isyu at intriga na kanyang pinagdaanan marami siyang natutunan dito kung dati ay binabalewala lamang niya ang sasabihin ng mga netizen lalo na nang mga chismosa nating kapitbahay, ngayon ay mas naging maingat na siya sa kanyang mga ipinapakita sa social media.

Bago natin ituloy ang chikahan alamin muna natin kung paano nga ba sumikat at nakilala si Gabo bago pa man pasukin ni Gabo ang pag aartista una muna itong nag trending dahil sa pang gagaya niya sa asia’s song bird na si Ms. Regine Velasquez at mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang pagsikat, pero hindi rin naman naging madali ang pinag daanan ni Gabo bilang isang impersonator/influencer dahil nag simula rin ito sa wala at kakarampot lamang na kita.

Kaya naman nang siya ay nabigyan nang pagkakataon na makapag workshop sa showbiz reporter turned vlogger na si Mama Ogie Diaz ay pinaghusayan talaga niya ang pag-arte dahil para kay Gabo first love niya ang umarte sa harap ng camera.

Dahil na rin sa mga naging kaibigan at nakasama sa showbiz nakilala niya ang Director na si Easy Ferrer at dito nabigyan siya ng mga proyekto at ilan lamang sa kanyang mga nagawa ay ang ‘Home Sweetie Home’ kasama sina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz, Momshies Ang soul mo’y akin kasama naman sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

At nitong nakaraan lamang ay isa rin sa mga bumida si Gabo sa seryeng Mano Po Legacy na napanood sa Kapuso Network nakasama niya rito sina Barbie Forteza, David Licauco, Maricel Laxa, Sunshine Cruz at marami pang iba.

Ang tanong ngayon ng bayan whats next for Gabo matapos itong mag bagong buhay from a toxic influencer to an inspiring artist well… wish ko lang sana mag tuloy-tuloy na talaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.