Una sa Balita

Social Media: Karnero o diyablo?

By
0 286

Nakakalungkot malaman na ang mag-amang Isabelle at nagbitiw na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay hayagang nag-aaway sa ‘social media.’

Ang personal na ‘di pagkakaunawaan ng mag-ama na dapat ay sa loob lamang ng pamil­ya ay nabuyangyang sa publiko.

Kahit paano ang away ng mag-ama ay siguradong may tama kay PDu30.

Hindi maiiwasan na ang bangayan sa pagitan ng mag-amang Isabelle at Paolo ay gamitin ng mga kritiko at ng mga gustong gumiba sa Pangulo.

Argumento ng mga ito, paano maaayos ni PDu30 ang bansa, kung sa loob mismo ng ­pamilya ay may gulo?

***

Iba na talaga panahon ngayon.

Sa pamamagitan ng ‘social media’ mara­ming bagay ang nabubuo at nasisira.

Depende sa emosyon ng gumagamit ng ‘internet’ ang daming ‘platform’ na pagpipilian, maisulong lamang ang intensiyon at emosyon.

Ang ‘social media’ ba ay ‘karnero’ na nagpapanggap bilang isang ‘diyablo?’

***

Tama lang kasuhan ang travel agency na nang-onse sa isang libong OFW na ‘nais­tranded’ sa Hong Kong.

Matapos makuha ng travel agency ang pera ng mga OFW, hindi na mahagilap ang may-ari agency.

Dapat mapatawan ng pinakamabigat na parusa ang travel agency na nagpahirap sa mga kawa­wang OFW sa Hong Kong.

***

Nagimbal ang marami sa naganap na trahedya sa karagatan sa pagitan ng Infanta at Polillo Island sa lalawigan Quezon.

Isang ‘passenger vessel’ ang lumubog, sakay ang mahigit sa dalawang daang pasahero.

Maagang bumiyahe ang mga pasahero ng MV Mercraft 3 para­ magdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Subalit sa gitna ng karagatang Pasipiko ni­lamon ng nagngingitngit na alon ang barko.

Ilang ‘survivor’ ang nagsabi na hindi lahat ng pasahero ay may ‘life vest.’ Ang balikbayang Pinay na galing pang Australia ay nagkuwento kung paano nakaligtas kasama ang anak at asawang Australyano.

May dala silang sariling ‘life vest.’

Bakit nakalusot ito sa Philippine Coast Guard?

Sa trahedyang ito, hindi na ako magtataka, kung maging ‘OA’ sa mga susunod na araw ang ipatutupad na ‘seguridad’ ng coast guard sa mga pantalan.

***

Nais ko lang pasa­lamatan ang mga staff ng Shakey’s España sa Lungsod ng Maynila, hindi nabulilyaso ang aming Noche Buena.

Mga Kuyang at Ateng, mabuhay kayo.

Manager Gil at Grace, salamat.