Una sa Balita

Social distancing sa Marikina hindi sinusunod – Panelo

0 293

Pinuna ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang mga residente sa Marikina City dahil sa hindi pagsunod sa social distancing para makaiwas sa peligro ng coronavirus disease 2019.

Ayon sa kalihim, naglibot siya sa Marikina City at napansin na marami ang hindi nakakaunawa sa ibig sabihin ng social distancing.

Sinabi ni Panelo na maraming nakapila sa mga bangko, supermarkets at grocery stores pero walang social distancing.

“Umikot ako noong isang araw sa Marikina. Ang napansin ko ay parang normal ang Marikina; normal in the sense na nakita ko sa grocery bukas; ang surmarket, palengke bukas;nakapila sa bangko ,pero walang social distancing. Magkakatabi sila as in magkakatabi,” ani Panelo.

Dahil dito, nanawagan si Panelo sa media at sa local government units na ipaliwanag ng maayos ang ibig sabihin ng social distancing.

“Mukhang hindi naintindihan ang social distancing kaya dapat maipaintindi sa publiko kung bakit kailangan ang agwat o pagitan sa bawat isa para makaiwas sa peligro ng COVID-19.” ani Panelo.(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More